Mayroong suporta para sa iyo
May problema ka ba at walang maasahan na ibang tao
Sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang katanungan,
Mula sa humigit-kumulang 150 na programa ng suporta at mga serbisyo
Maaari mong gamitin ang chatbot upang mahanap ang suporta na angkop sa iyong sitwasyon.
Gamitin ang pagkakataong ito para kumuha ng suporta para sa iyo.
Kadalasang katanungan
01. Bakit kailangan ng mga hakbang laban sa kalungkutan at pg-iisa?
Habang ang lipunan ay naging hindi na gaanong konektado sa isa's isa dahil sa Covid 19, ang problema ng kalungkutan at pag-iisa ay lalong lumilitaw.
Batay sa ideya na ito, para sa suliraning panlipunan sa ating panahon na kailangang harapin, ang kaunaunahang cabinet post ay itinatag noong Pebrero 2021 upang tugunan ang isyu ng kalungkutan at Pag-iisa
02. Ano ang ginagawa ng Tanggapan para sa Panukala sa Kalungkutuan at Pag-iisa?
Itinatag ang task force sa tatlong tema: ang paggamit ng social media, pag-unawa sa aktwal na sitwasyon ng kalungkutan at pag-iisa, at suporta para sa pakikipagtulungan sa mga organisasyong sangkot sa kalungkutan at pag-iisa, at pakikipagtulungan sa NPO at iba pang Support Groups, pribadong kumpanya, mga eksperto sa akademya, at ang pamahalaan.
Bilang karagdagan, ang gobyerno ay tumutulong upang mapabuti ang kapaligiran upang gawing mas madali para sa mga support groups na magsagawa ng kanilang mga aktibidad, tulad ng pagsasama-sama ng mga hakbang sa pang-emergency support para sa NPO na gumagawa ng mga hakbang upang labanan ang kalungkutan at pag-iisa.
03. Ano ang aktwal na sitwasyon ng kalungkutan at pag-iisa sa Japan?
Upang makakuha ng pangkalahatang larawan ng kalungkutan at Pag-iisa sa Japan, isang nationwide survey ang isinagawa mula Disyembre 2021 hanggang Enero 2022, at ang mga resulta ay inilabas noong Abril 8, 2022. Ayon sa survey, 4.5% ng mga respondent ang nagpahiwatig na sila " madalas/palaging" nalulungkot, 14.5% "minsan," 17.4% "paminsan-minsan," 38.9% "halos hindi kailanman," at 23.7% "hindi kailanman."
Bilang karagdagan sa pangkat ng edad at kasarian ng mga nakakaramdam ng kalungkutan, naitukoy din ng survey ang mga pangkalahatang pattern ng kalungkutan, kabilang ang mga kaganapang naranasan bago ang kasalukuyang kalungkutan at ang estado pag-isolate sa lipunan.
Ang buong resulta ng survey ay matatagpuandito.
04. Nag-aalangan akong gumamit ng programa at serbisyo
Karapatan ng lahat ng mamamayan na gamitin ang serbisyo ng gobyerno. Ang serbisyo ng konsultasyon ay obligadong panatilihin ang pagiging kompidensiyal, at ang mga content ng pag-uusap ay hindi ibabahagi sa iba nang walang pahintulot.
Ang pakikipag-usap ay maaaring makatulong sa iyo na magpagaan ng iyong pakiramdam o makahanap ng isang serbisyo na iyong magagamit
Gamitin ang chatbot na ito upang mahanap ang serbisyo ng suporta at serbisyo na angkop para sa iyo.
05. Ano ang dapat kong gawin kung hindi ko mahanap ang suportang gusto kong gamitin sa chatbot?
Ang bawat serbisyo ng konsultasyon ng lokal na pamahalaan ay may iba't ibang impormasyon sa kanilang sariling mga serbisyo at serbisyo, pati na rin ang suporta mula sa pribadong sektor. Ang bawat munisipalidad ay may komprehensibong serbisyo sa konsultasyon para sa bawat uri ng pangangailangan, kaya mangyaring sumangguni sa pahinang ito at kumunsulta sa kanila.
Mga tip mula sa mga Eksperto
-
Kumunsulta sa amin
Mula sa pananaw ng social worker sa iba't ibang opisina ng konsultasyon sa buong Japan, narito ang ilang mga tip sa paggamit ng serbisyo sa konsultasyon at kung paano gamitin ang mga ito.
Mangyaring basahin ang mga tip at gamitin ang serbisyo ng konsultasyon. -
Basahin ito kapag ikaw ay nahihirapan
Para sa dumaranas ng mga problema sa pag-iisip at pisikal, isang clinical psychologist at isang lisensyadong psychologist ay itinuro kung paano makayanan ang stress.
Ito ang mga tip sa pangangalaga sa sarili na mababasa mo sa mga oras na nahihirapan
Tanggapan para sa Panukala sa Kalungkutuan at Pag-iisa, Cabinet Secretariat
1-6-1 Nagata-cho, Chiyoda-ku, Tokyo 100-8968, Japan